6 araw na sanggol patay sa COVID-19

6 araw na sanggol patay sa COVID-19

April 5, 2021 @ 7:39 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Namatay sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang anim na araw na sanggol sa Davao del Norte.

Batay sa ulat ng Inter-agency Task Force ng bayan ng Santo Tomas, ang sanggol ay ipinanganak ng 16 na taong gulang na ina sa Barangay New Katipunan.

Ang sanggol ang ika-177 kaso ng sakit sa nasabing bayan.

Isinaayos na ng lokal na pamahalaan ang libing ng sanggol.

Sa huling datos nitong Abril 3 mayroong 3,425 kaso sa Davao del Norte na may 285 aktibong kaso. RNT/ELM


  •  
  •  
  •