6 arestado sa P186K “tobats” sa Navotas

6 arestado sa P186K “tobats” sa Navotas

May 14, 2022 @ 11:23 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat sa anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang halos P200,000 halaga ng shabu matapos matimbog sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo ng buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. NBBS Proper na nagresulta sa pagkakaaresto kay Emilyn Lacson alyas “Milyn”, 29 at Alfredo Aransay alyas “Pusoy”, 40, kapwa (pusher/listed).

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000 at P300 marked money.

Nauna rito, dakong alas-10:45 ng gabi nang malambat din ng kabilang team ng SDEU si Jervy Biason alyas “Boy-boy”, 36, at Alfredo Malaca alyas “Bong-Bong”,42 matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer sa buy bust operation sa Gulayan St., Brgy. San Jose.

Narekober sa kanila ang nasa 10.4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 70, 720 at buy bust money.

Habang nadakma din ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation dakong alas-11:40 ng gabi sa Bagong Silang St., Brgy. San Jose sina Amor Buenaventura alyas “Ching”, 42, bus conductor at Teofelo Capili Jr, alyas “Jun”, 48.

Nasa 7 sa grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) Php 47,600.00 ang nakuha sa mga naarestong suspek at P500 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022. Boysan Buenaventura