6 bagong kaso ng COVID naitala sa mga Pinoy sa abroad

6 bagong kaso ng COVID naitala sa mga Pinoy sa abroad

July 9, 2021 @ 8:35 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs na nadagdagan ng anim ang nagpositibo sa mga Filipinong nasa ibang bansa kung kaya’t umabot na ang kabuuang bilang nito sa 20,922 batay sa ulat.

Nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng nasawi.

Patuloy ring ginagamot ang nasa 7,296 makaraang gumaling na ang 12,381 indibidwal at 1,245 nasawi.

Sa ngayon ay may 95 bansa na ang may COVID-19.

Patuloy na ginagamot ang 1,720 indibidwal sa Asia Pacific; 940 sa Europe; 4,521 sa Middle East at Africa; at 115 sa Americas. RNT/FGDC