6 bagong ruta sa NCR binuksan
January 6, 2023 @ 9:38 AM
1 month ago
Views: 158
Remate Online2023-01-06T09:01:41+08:00
MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng anim na bagong ruta para sa mga public utility bus (PUB) na dadaan sa National Capital Region (NCR) at sa mga nasa labas nito.
Sa Memorandum Circular No. 2022-083, inaprubahan ng LTFRB ang pagbubukas ng mga sumusunod na bagong ruta:
-
Antipolo â McKinley Hill sa pamamagitan ng FVR Road, C-5
-
Antipolo â McKinley Hill sa pamamagitan ng C-6
-
McKinley Hill â Southwoods Mall Transport Terminal
-
Ayala â Southwoods Mall Transport Terminal
-
Alabang (SST) â Naic via Governorâs Drive
-
Cubao â Dasmariñas via Governorâs Drive
Sa pagbanggit sa mga alituntunin sa memorandum, sinabi ng LTFRB na ang mga interesadong operator na nagsama-sama sa operasyon at may bago o Omnibus Franchising Guidelines (OFG)âcompliant units ay bibigyan ng preference.
âThe decision to open new bus routes came after extensive monitoring and ground validation, and we saw the need to provide more public land transportation services because of increasing passenger demand,â ayon kay Joel Bolano, head ng Technical Division ng LTFRB. RNT
February 9, 2023 @4:30 PM
Views: 1
MANILA, Philippines- Dapat imbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang âdummyâ Filipino owners ng recruitment agencies, ayon kay Senator Jinggoy Estrada.
âLetâs just request the DMW to scrutinize the recruitment agencies, whether the proprietors of these recruitment agencies have the financial capability to run its operations,â pahayag ni Estrada sa hearing nitong Miyerkules.
Sa ilalim ng Labor Code ng bansa, tanging Filipino citizens lamang ang makakukuha ng lisensya para magpatakbo ng recruitment agencies na may minimum capital na P5 milyon.
Ayon sa DMW, babawiin ang lisensya ng recruitment agencies at ilalagay ang incorporators sa derogatory kapag lumabag ang mga ito.
Inihayag ni Estrada ang pagkabahala sa recruitment agencies matapos patayin si Jullebee Ranara, isang household helper sa Kuwait, ng 17-anyos na anak ng kanyang employer.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DMW, hindi nakasunod ang local at foreign recruitment agencies fni Ranara sa compulsory monitoring requirements ng deployed workers. RNT/SA
February 9, 2023 @4:26 PM
Views: 23
MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang dalawang katao na listed bilang most wanted persons ng Malabon City matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Quezon Cities.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PMAJ Alfredo Agbuya Jr, kasama ang mga tauhan ng 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Albert Lachica, 41, sa kanyang bahay sa No. 68 Apitong Alley, Bagong Barrio, Barangay 152, Caloocan City dakong alas-10 ng umaga.
Si Lachica ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 292 noong January 31, 2023, para sa kasong Robbery Hold-up.
Nauna rito, dinampot din ng mga tauhan ng WSS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Agbuya sa manhunt operation sa Francisco St., Brgy. Lingunan, Valenzuela City si Rodel Balane, 34, welder ng 231 Sitio 6, Brgy. Catmon, Malabon City dakong alas-8 ng umaga.
Dinakip si Balane sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 73, para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Malabon CPS sa pamumuno ni P/Col. Daro dahil sa kanilang masigasig na kampanya laban sa mga wanted persons. Boysan Buenaventura)
February 9, 2023 @4:20 PM
Views: 17
LANAO DEL SUR- Nakabalik na sa kanilang command post sa Bukidnon ang 39 miyembro ng 1st Special Forces Battalion matapos harangin ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraan mapagkamalan na New Peopleâs Army (NPA) noong Martes sa probinsyang ito.
Paglilinaw ni Philippine Army spokesperson Colonel Xerxes Trinidad, napagkamalan lamang ng mga MILF ang mga sundalo na teroristang grupo na minsan at nagpapanggap na tropa ng pamahalaan.
Aniya, nagkaroon ng verification process para patunayan na totoong kasapi ng PA ang 39 na sundalo para maiwasan na magkaroon ng engkuwentro.
Sinabi pa ni Trinidad na nagkaroon ng koordinasyon ang militar sa MILF sa lahat ng isasagawa nilang operasyon lalo na sa mga liblib na lugar.
Dagdag pa ni Trinidad na maaaring mahina ang signal sa lugar kaya nagkaroon ng miscommunication.
Nagtungo sa Lanao del Sur ang 1st Special Forces Battalion ng 403rd Brigade, na nasa ilalim ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom), bilang tugon sa impormasyon tungkol sa mga miyembro ng NPA sa lugar.
Dagdag pa ni Trinidad na nagkaroon ng koordinasyon ang Army sa Western Mindanao Command (Westmincom), na sumasaklaw sa Lanao del Sur, para sa pagpapalawak ng area of cooperation ng brigada.
“Kung mapapansin niyo sa parte po ng Bukidnon itong under ng 403rd Brigade. Parte po ng Lanao del Sur, na-coordinate po natin yan dito sa Westmincom. Kung saan po coordinated din po ‘yan sa ating mga kasamahan sa MILF,” ani pa Trinidad.
“Para matiyak ang kaligtasan ng mga tropa ng AFP, ang MILF-BIAF ay nagpalipas ng gabi muna ang mga ito sa ligtas na lugar. Ang militar at MILF ay magkatuwang sa pagsugpo sa mga teroristang grupo at matuldukan ang karahasan,â dagdag pa ni Trinidad. Mary Anne Sapico
February 9, 2023 @4:10 PM
Views: 16
MANILA, Philippines- Makararanas ang bahagi ng Taytay, Angono, at Binangonan sa Rizal Province ng hanggang anim na oras na water service interruption mula alas-10 ng gabi sa Feb. 9.
Sa water service advisory ng Manila Water, inanunsyo ng water concessionaire announced na mawawalan ng tubig sa bahagi ng Barangay San Juan sa Taytay simula alas-10 ng gabi sa Feb. 9, Huwebes, hanggang alas-4 ng madaling araw sa Biyernes, Feb. 10.
Magreresulta ang pipe maintenance works ng Manila Water personnel sa Summerfield Villas area sa Barangay San Juan, Taytay, sa kawalan ng tubig.
Simula alas-11 ng gabi sa Feb. 9, magsasagawa rin ng scheduled line meter replacement works ang Manila Water sa Valle Street, Jupiter Street, at Javier Compound, sa Taytay, na magreresulta sa water service interruption hanggang alas-5 ng umaga sa Feb. 10.
Sa Angono, magkakaroon naman ng line replacement activity ang Manila Water sa San Lorenzo Ruiz sa harap ng McDonaldâs Angono na magreresulta sa water service disruption sa Feb. 9 simula alas-10 ng gabi sa bahagi ng Barangay Kalayaan. Nakatakdang ibalik ang water service pagsapit ng alas-4 ng madaling araw sa Feb. 10.
Sa Binangonan, inaasahang magsisimula ang scheduled water service interruption dakong alas-10 ng gabi sa Feb. 10 hanggang alas-4 ng madaling araw sa Feb. 11, Sabado, sa bahagi ng Barangay Pantok at Barangay Bilibiran. RNT/SA
February 9, 2023 @4:00 PM
Views: 11
MANILA, Philippines- Naupo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) nitong Miyerkules.
Sa opening ceremony ng SEAMEO Council Conference, si Duterte na kinatawan ng Pilipinas ang itinalagang pinuno ng international agency mula sa Singapore.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Duterte ang member countries na umaksyon na at resolbahin ang mga umiiral na isyu sa ASEAN education systems.
âIn all of these, one thing is clear: we need to act now. We cannot afford to waste more time,â giit niya.
“As education leaders, we cannot allow ASEAN children to miss out on the beauty and benefits of learning, and the wonders of being able to use it positively to impact ASEAN and the world,” dagdag ni Duterte.
Kinilala rin ni Duterte na âlearning poverty has worsened,â batay sa UNICEF report kung saan nakasaad na mahigit kalahati ng1 edad 10 sa low at middle income nations ang hindi marunong magbasa at makaintindi ng kwento kahit pa bago magsimula ang pandemya.
Inilatag din ni Duterte ang âMATATAGâ agenda kung saan kabilang ang mga inisyatiba para oagbutihin ang curriculums, pabilisin ang paghahatid ng basic education facilities at supplies, at pagsusulong ng inclusive education at mas mainam na suporta para sa mga guro.
“As the SEAMEO Council convenes today, I urge everyone to embrace the spirit of bayanihan, keeping in mind who is at the heart of the work that we do: our ASEAN learners,” pahayag ni Duterte.
Huling pinamunuan ng Pilipinas ang SEAMEO Council sa ilalim ng termino ni dating Education Secretary Bro. Armin Luistro noong 2010.
Ang SEAMEO ay isang international group na naglalayong pag-igihin ang âregional understanding and cooperation in education, science and culture for a better quality of life in Southeast Asia.â
Inaasahang pangungunahan ng Pilipinas ang council mula 2023 hanggang 2025. RNT/SA