6 barangay official kinasuhan sa bigong pagpigil sa COVID-19 “super spreader events”



6 barangay official kinasuhan sa bigong pagpigil sa COVID-19 “super spreader events”

June 8, 2021 @ 8:10 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa nito ng kaso laban sa anim na barangay officials para sa pagkabigo na mapigilan ang tinatawag na “super spreader events ” sa kanilang nasasakupan.

“Sa inyo pong pag-uutos na kasuhan natin ang mga barangay officials, anim po ang nakita natin dito at nakasuhan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

Sinabi ni Año na ang mga nakasuhang opisyal ay sangkot sa iba’t ibang insidente gaya ng sumusunod:

  • Gubat sa Ciudad incident, Brgy. 171, Caloocan City

  • Recreational and resort operations sa San Jose, Navotas City

  • Boxing match sa Brgy. 181 at 182 in Tondo, Manila

  • Bakas River incident sa Brgy. Matiktik, Norzagaray, Bulacan

  • Balabag, Boracay Island at Brgy. Sambiray, Malay, Aklan

  • Club Holic Bar and Restaurant, Brgy. Kamputhaw, Cebu City

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pag-aresto sa mga barangay o village chiefs kapag nagkaroon ng mass gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Nagpalabas naman ang Pangulo ng kautusan matapos ang napaulat na mass gatherings, kabilang na ang pool party sa Quezon City na nagresulat ng pagkahawa sa 54 katao ng bagong coronavirus SARS-CoV-2, na naging dahilan ng malubhang respiratory illness dahil sa COVID-19. Kris Jose


  •  
  •  
  •