6 binitnit sa Malabon buy-bust

6 binitnit sa Malabon buy-bust

August 29, 2022 @ 12:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Syut sa kulungan ang anim na bagong identified drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hiwas St. corner Labahita St., Brgy. Longos.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba sina Edwin Zuniega, 48, at Joey Dulay, 50, tricycle driver, matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer.

Ani PMSg Randy Billedo, nakumpiska sa mga suspek humigi’t-kumulang 6.8 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php46,240.00) at marked money.

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa P. Aquino St. corner Dr. Lazcano St., Brgy. Tugatog dakong alas-10:30 ng gabi sina Israel Habana alyas β€œEk-Ek”, 33, Joy Maingay, 24, Joerey Basal, 33, at Edward Micayas, 39. Narekober sa kanila ang nasa 6.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php42,840.00 at P500 buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura