6 Chinese national na sangkot sa online gambling ops, pinauwi sa kanilang bansa

6 Chinese national na sangkot sa online gambling ops, pinauwi sa kanilang bansa

October 20, 2022 @ 3:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon sa anim na Chinese national na sangkot sa online gambling operations.

Ang anim na pina-deport kabilang, ang dalawa pa dahil sa overstaying, ay pinasakay ng Philippine Airlines pabalik sa Wuhan, China nitong Oktubre 19.

Ang nabanggit na grupo ay ang first batch sa mahigit 300 na mga dayuhan na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa magkakahiwalay na operasyon nitong buwan ng Setyembre.

Naka-monitor naman si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at BI Commissioner Norman Tansingco sa deportasyon ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

“This is the first batch of deportees who voluntarily surrendered their documentation so they can go back to their home country,” ayon kay Tansingco.

“We have coordinated with their embassy to expedite the release of the travel documents of the rest of the deportees,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagpapa-deport sa kanila, kinansela na rin ng BI ang visa ng may 1,424 na mga dayuhan na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators na nauna nang kinansela ng PAGCOR ang kanilang lisensya. Ang bilang ang kasama sa mahigit na 48,000 employees na kilala sa kanilang kumpanya.

“We have prioritized the cancellation of those who have valid and existing visas, and are still in the country,” ayon Tansingco. “We are still cross checking our database to see which ones are still in the country,” dagdag pa nito.

Ang sinuman na hindi makakaalis sa bansa sa itinakdang panahon ay maaari itong arestuhin at ipatapon pabalik sa kanilang bansa.

“We will not stop until we rid the country of foreign nationals who abuse our laws,” bant ani Tansingco. JAY Reyes