6 craters sa Mars pinangalan sa mga bayan sa Pinas

6 craters sa Mars pinangalan sa mga bayan sa Pinas

February 28, 2021 @ 3:44 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinangalan alinsunod sa anim na bayan sa Pilipinas ang mga crater sa Mars matapos ang matagumpay na pagdating ng Perseverance Mars.

Ayon sa Gazetteer of Planetary Nomenclature of the United States of Geological Survey, ang mga crater na mahigit 60 kilometro ay ipinangalan sa mga pumanaw nang mga siyentista at manunulat na nagkaroon ng kontribusyon sa pag-aaral sa Mars.

Habang ang maliliit na crater na hindi hihigit sa 60 kilometro ay ipinangalan sa mga bayan at komunidad sa buong mundo na may 100,000 populasyon mababa.

Ang bayan ng Bacolor sa Pampanga ay ipinangalan sa 21.58 kilometrong crater na matatagpuan sa Utopia Planitia.

Habang ang bayan ng Camiling sa Tarlac ay ipinangalan sa 21.91 km crater.

Sa 10.5 km crater naman ang bayan ng Daet sa Camarines Norte.

Ang 8.3 km crater ay pinangalanang Naic, isang bayan sa Cavite.

Ipinangalan naman sa bayan ng Solano sa Nueva Viscaya ang 9 km crater na isang Martian crater.

Taytay naman sa 18.17 km crater na mula sa probinsya ng Palawan na matatagpuan sa Oxia Palus quadrangles ng Mars. RNT/ELM


  •  
  •  
  •