6 drug suspects timbog sa P748K shabu

6 drug suspects timbog sa P748K shabu

June 23, 2021 @ 3:30 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kulungan ang bagsak ng anim na hinihinalang drug personalities matapos na madakip ng at makuhanan ng mahigit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City Martes ng gabi at Miyerkules ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon ni PCpl Pamela Joy Catalla, bandang alas-3:00 ng madaling araw ng magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa Valenzuela City Police chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ng buy bust operation sa walang numerong bahay sa Libis Bukid, Brgy. Malinta na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeany Rose Radaza alyas “Apple”, 37.

Kasama ring inaresto sina Michael Anthony Balcruz alyas “Praning”, 49, Erlinda Gutierrez, 53, Babylyn Novilla, 42 at Elwood Edoyaga, 40 matapos maaktuhan ng mga operatiba na gumagamit ng iligal na droga sa loob ng bahay.

Nakumpiska ng mga operatiba ang nasa 55 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 10 pirasong P500 boodle money, P700 cash, 4 cellphones at mga drug paraphernalia.

Dakong alas-10:28 naman ng gabi nang unang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLT Medregalejo sa buy bust operation sa #208 Lords Candle St., De Castro Subd., Brgy. Paso De Blas si Remy Jaen, 41 matapos bentahan ng P8,000 halaga ng shabu si PCpl Randy Canton na nagpanggap na buyer ng droga.

Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober kay Jaen ang tinatayang nasa 55 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P374,000.00, buy bust money ni binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, P2,200 cash, cellphone at pouch. R.A Marquez


  •  
  •  
  •