6 durugista huli sa magdamagang buy-bust sa Bulacan

6 durugista huli sa magdamagang buy-bust sa Bulacan

December 14, 2022 @ 4:47 PM 2 months ago


Bulacan – Arestado ang anim na indibiduwal matapos mahulihan ng iligal
na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Miguel Payawal, Mark Dave Valientes, Archie Vibas, Emilie Edullantes, Ena Mariel Sagun at Ramil Villacorta.

Sa report, ikinasa ang magdamagang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng San Miguel at San Jose Del Monte laban sa mga target.

Sinasabing nabilhan at nahulihan ang mga ito sa kasagsagan ng operasyonkaya agad inaresto ng mga awtoridad.

Narekober sa operasyon ang 15 sachets kabilang ang cut-open sachet na pinaghihinalaang shabu, disposable lighter, improvised glass bulb tooter, coin purse at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa istasyon na humuli sa kanila. Dick Mirasol III