6 HVI, 170 gramo ng shabu kumpiskado sa Montalban!

6 HVI, 170 gramo ng shabu kumpiskado sa Montalban!

August 8, 2022 @ 3:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makumpiska sa kanila ang 170 gramo ng hinihinalang ilegal na droga sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.

Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mukarsa Majindie, high value individual; Juhar Jailani, Randy Serrano, Maria Iya Aldana, Robert John Baradi, at Jerome Lim, mga residente ng Almaje St., Avatex, Brgy. San Jose, sa nabanggit na bayan.

Dakong ala-1:45 ng madaling araw nitong Linggo, Agosto 7, nang isagawa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.

Nakumpiska ng mga tauhan ni Custudio sa mga pinaniniwalaang tulak ang 20 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 170 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,156,000; P7,000 boodle money; P1,000 buy-bust money; at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa detention cell habang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rene Tubongbanua