6 indibiduwal timbog sa ‘tupada’

6 indibiduwal timbog sa ‘tupada’

December 6, 2021 @ 7:07 AM 10 months ago


ILOCOS SUR – Arestado ang anim na katao habang pinaghahanap pa ang dalawang iba pang kasama ng mga ito na nakatakas matapos salakayin ng mga otoridad ang isang ‘tupadahan’ sa Brgy. Bongtolan, Vigan City ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Disyembre 5.

Ang mga naaresto ay sina Marlewee Cayabyab y Asejo, 32, walang asawa; Bernardino Castillo y Asejo, 54, walang asawa; Usman Ariman y Asejo, 34, walang asawa; pawang mga residente ng naturang barangay; Allan Fabillaran y Pacis, 37; Carlos Fabillaran y Patao, 50, walang asawa; kapuwa residente ng Cabaroan Daya, Vigan City; at Romel Pisalbo, 35, walang asawa, residente ng Brgy. San Jose, Vigan City.

Ang dalawang nakatakas ay nakilalang sina Dolphy Castaneda at Marlon Tacdol, kapuwa residente ng Brgy. Bontolan, Vigan City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong panabong na manok, 14 na gaffing knives o tari at bet money na P2,710.

Nasa kustodya ngayon ng Vigan City Police Station ang mga suspek.

Kasong paglabag sa PD 449 (Cockfighting Law of 1974) ang kahaharapin ng mga suspek. Rolando S. Gamoso