6 indibidwal kinasuhan ng DOJ sa ‘missing sabungeros’

6 indibidwal kinasuhan ng DOJ sa ‘missing sabungeros’

January 18, 2023 @ 8:40 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsampa ang Department of Justice (DOJ) nitong Martes ng kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa anim na indibidwal na umano’y sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero noong Enero 2022, ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano.

Ang impormasyon ay inihain sa Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa manager ng farm na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto Matillano Jr.

Sinabi ni Clavano na inirekomenda rin ng mga prosecutor na walang piyansang itakda para sa mga respondent.

“All remain at large. The Department of Justice, therefore, encourages law enforcement agencies to keep a look out for these people,” ani Clavano sa mga reporter.

Noong Disyembre 2022, napag-alaman ng DOJ na nagsabwatan ang anim sa pagkidnap kina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, at Rowel Gomez.

Umalis ang mga sabungero sa Tanay, Rizal alas-1 ng hapon noong Enero 13, 2022 upang pumunta sa Manila Arena ngunit napilitang sumakay sa isang gray na van bandang 7:30 p.m. RNT