6 Indonesian national na biktima ng human trafficking sinagip ng NBI

6 Indonesian national na biktima ng human trafficking sinagip ng NBI

February 25, 2021 @ 6:53 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Anim na Indonesian national ang sinagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang condominium building sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa NBI-International Operation Division, narescue ang mga dayuhan sa ikatlong palapag ng condo .

Ilang buwan na umanong nakakulong ang mga ito ayt hindi sila pinapayagang lumabas sa kadahilanang quarantine pa at may pandemic pa.

Ayon kay NBI-IOD Chief Ronald Aguto  na napagtanto ng mga biktima ngayong taon nang mapansin ang iba nilang kapwa Indonesian na nasal abas naman ng opisisna.

Sinubukan umanong magtanong ang mga biktima kung puwede silang lumabas ngunit sila ay pinagbabawalan.

Nagtatrabaho umano ang mga biktima sa isang bagong tayong kumpanya na nagrecruit sa kanila bilang call center.

Ayon pa kay Aguto, kwento umano ng ilang mga dayuhan na ibebenta sila s aibang mga kumpanya nap ag-aari din ng dayuhan kapag ayaw nilang magtrabahjo.

Paliwanag pa ni Aguto sa GMA news, pinipigilan ang Kalayaan ng mga nasagip na isa umanong paglabag sa batas dito sa Pilipinas.

Mahaharap naman sa serious illegal detencion at human trafficking ang kanilang mga employer na ngayon ay pinaghahanap na rin ng NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •