6 ‘kasabwat’ ni Teves nasa kustodiya na ng pulisya

6 ‘kasabwat’ ni Teves nasa kustodiya na ng pulisya

March 12, 2023 @ 3:07 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines — Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga kasama ni Rep. Arnolfo Teves Jr., sabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Jean Fajardo nitong Sabado.

Dinala sila sa kustodiya kaugnay ng mga pagpatay noong 2019 kung saan idinadawit si Teves.

Noong Biyernes, ni-raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at iba pang grupo ang mga bahay ni Teves para maghanap ng mga loose firearms.

“Lahat-lahat po, ay anim po ang nasa custody ng CIDG,” ani Fajardo.

“They are close associates of Congressman Teves, yung anim po. Yung isa doon ay kasama doon sa kasong i-finile ng CIDG related doon sa 2019 murder, then yung isa doon yung security guard na nagbabantay doon sa property, and then rest mga close associates dito,” ani Fajardo. RNT