6 labi ng Isabela plane crash victims narekober na

6 labi ng Isabela plane crash victims narekober na

March 11, 2023 @ 3:21 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Narekober ng Cessna 206 retrieval team nitong Sabado ang mga labi ng anim na tao na sakay ng aircraft na bumagsak sa makapal na kagubatan na bahagi ng Barangay Ditarum sa Divilacan, Isabela.

Sinabi ng Isabela Incident Management Team (IMT) na dumating ang retrieval team sa crash site bandang alas-otso ng umaga matapos na matapang na suungin ang masamang panahon.

Ayon sa IMT, ang mga labi ng piloto at ang limang pasahero ay ilalagay sa malalaking plastic bag at pagkatapos ay sa cadaver bag saka ibababa ng bundok sa lalong madaling panahon.

Natuklasan ng mga search team ang wreckage ng aircraft sa loob ng 20-kilometrong radius ng Maconacon airport, ang dapat na destinasyon nito nang mawala ito noong Enero 24. RNT