6 lugar signal no. 1 pa rin kay bagyong #MaymayPH

6 lugar signal no. 1 pa rin kay bagyong #MaymayPH

October 12, 2022 @ 6:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Halos hindi gumalaw ang Bagyong Maymay at nakataas pa rin ang bisa ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa anim na lugar sa Luzon ngayong Miyerkoles, ayon sa PAGASA.

Base sa weather bulletin, ang mga lugar na ito ay:

  • Isabela;

  • Quirino;

  • Nueva Vizcaya;

  • Aurora;

  • Nueva Ecija; at

  • Extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Pollilo Islands.

Ibinabala ng PAGASA na ang mga residente sa mga lugar na ito ay makakaranas ng malakas na hangin ngunit may kaunting banta sa buhay at ari-arian.

As of 4 a.m., patuloy na gumagalaw si Maymay sa direksyong timog-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.

Ang sentro ng Maymay ay tinatayang nasa 305 kilometro silangan ng Baler, Aurora na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras, at gitnang presyon na 1002 hPa.

Sinabi ng PAGASA na ang sentro ng Maymay ay tinatayang magpapatuloy sa mabagal na paggalaw ng pakanluran sa susunod na 12 oras bago ito bahagyang bumilis at lumipat pakanluran patungo sa silangang baybayin ng Central Luzon.

Inaasahang hihina si Maymay sa isang low pressure area habang papalapit ito sa landmass.

Samantala, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay malakas na pag-ulan  sa Cagayan at Isabela habang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Aurora, ngayong araw.

Ang Isabela, Aurora at Quirino naman ay magkakaroon ng mga pag-ulan na may kasamang pagbugso ng hangin na dala ni Maymay, na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay malakas na pag-ulan. Magkakaroon ng minimal hanggang minor na banta sa mga buhay at ari-arian dahil sa malakas na hangin

Samantala, ang Batanes, Cagayan, Apayao, Kalinga at Ilocos Norte ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawak na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shearline na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, ang natitirang bahagi ng Cagayan Valley at ang natitirang bahagi ng Ilocos Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Maymay at ang shearline na may posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa sa kabilang banda ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorms na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkulog.

Patuloy pa rin namang binabantayan din ng PAGASA ang isa pang aktibong tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR).

Alas-3 ng madaling araw ng Miyerkules, ito ay namataan sa layong 1,920 kilometro silangan ng Southern Luzon na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras, pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras at dahan-dahang kumikilos sa hilagang-silangan. RNT