6 lugar Signal no. 2 kay Paeng; 17 iba pa nasa Signal no. 1

6 lugar Signal no. 2 kay Paeng; 17 iba pa nasa Signal no. 1

October 28, 2022 @ 9:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakasailalim sa Signal no. 2 ang anim na lugar, habang 17 iba pa ang nasa Signal no. 1 sa hagupit ni Tropical Storm Paeng ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Huling namataan si Paeng sa layong 410 kilometers east ng Borongan City, Eastern Samar, na may bitbit na maximum sustained winds na 75 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 90 kph. Huling tinatahak nito ang west-northwest sa bilis na 15 kph.

Kabilang ang mga sumusunod na lugar sa Signal No. 2 at 1:

Signal No. 2

  • Catanduanes

  • Albay

  • Sorsogon

  • Eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa, San Jose, Tigaon, Iriga City, Saglay, Buhi)

  • Northern Samar

  • Northern portion of Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, Can-Avid, Taft)

Signal No. 1

  • Masbate including Ticao and Burias Islands

  • Camarines Norte

  • Rest of Camarines Sur

  • Romblon

  • Marinduque

  • Quezon including Polillo Islands

  • Laguna

  • Rizal

  • Samar

  • Rest of Eastern Samar

  • Biliran

  • Leyte

  • Southern Leyte

  • Northern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon) including Bantayan and Camotes Islands

  • Dinagat Islands

  • Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands

  • Northern portion of Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait)

Samantala, sa  pinakahuling pagsubaybay ng PAGASA kay Paeng, maaaring tumama ito sa Catanduanes o dumaan nang napakalapit sa lalawigan sa Sabado ng umaga, Oktubre 29. Posible rin itong mag-landfall malapit sa Quezon’s Polillo Islands sa Sabado ng hapon.

Sa Linggo, inaasahang tatawid ang Paeng sa Hilaga at Gitnang Luzon, na posibleng direktang maapektuhan ang Calabarzon, Metro Manila, Gitnang Luzon, at maging ang Lambak ng Cagayan, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region. RNT