6 mangingisda sa Camarines Norte, nawawala – NDRRMC

6 mangingisda sa Camarines Norte, nawawala – NDRRMC

September 26, 2022 @ 6:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroong anim na mangingisda sa Camarines Norte ang naiulat sa kanila na nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding.

“We are still verifying a report from Camarines Norte Region 5 wherein they reported six missing fishermen, still subject for verification,” ani NDRRMC deputy spokesperson Raffy Alejandro sa isang press conference.

Ayon naman sa Civil Defense Bicol, tinukoy ng Camarines Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang iniulat na mga nawawalang mangingisda ay mula sa bayan ng Mercedes.

Sa kaugnay na balita, inihayag rin ni Alejandro na mayroong limang rescuers ang nasawi sa Bulacan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Nagpapatuloy naman ang pagbeberipika ng NDRRMC sa natanggap na ulat ng mga nawawalang mangingisda. RNT/JGC