6 mangingisda sa lumubog na bangka nareskyu ng Navy

6 mangingisda sa lumubog na bangka nareskyu ng Navy

September 15, 2021 @ 9:54 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nareskyu ng Naval Forces Southern Luzon (NFSL) ang anim na crew member ng fishing vessel na lumubog sa sa Benham Bank sa Philippine Rise.

Kinilala ang mga nasagip na sina:

  • Jayson R. Buheda (Boat Captain) of Atimonan, Quezon, 36 years old

  • Legazpi Villanueva of Atimonan, Quezon, 71

  • Christopher M. Querez of Real, Quezon, 45

  • Mario Burod of Real, Quezon, 50

  • Armando Mise of Atimonan, Quezon, 53

  • Tony C. Reyes of Atimonan, Quezon, 51

Ayon sa NFSL, isa sa capital ship ng Philippine Navy na BRP Andres Bonifacio ang rumeskyu sa FV MR KUPIDO sa kanilang territorial defense operations sa eastern seaboard ng Pilipinas.

Sinabing nakatanggap ng distress call mula sa Fishing Vessel Gabriel 3 tungkol sa paglubog ng FV MR KUPIDO.

Base sa crew, dahil ito sa malalaking alon na nagdulot ng butas sa freeboard. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •