6 marijuana plantation nadiskubre, winasak sa Benguet

6 marijuana plantation nadiskubre, winasak sa Benguet

February 26, 2023 @ 3:49 PM 4 weeks ago


BENGUET – Anim na plantation site ang nadiskubre at winasak ng mga awtoridad sa Brgy. Tacadang, Kibungan ng lalawigang ito.

Nabatid na nagsasagawa ng dalawang araw na marijuana eradication operations sa naturang lugar ang pinagsanib na puwersa ng PDEA CAR RSET, PDEA CAR Baguio-Benguet PO, Kibungan MPS at Benguet PDEU/PIU nang madiskubre nila ang anim na marijuana plantation sites mula sa dalawang sitio sa Brgy. Tacadang na parehong natatamnam ng fully-grown marijuana plants.

Ang mga naturang sitio ay ang Sitio Camayan at Batangan.

Umaabot ng 2,780 piraso ng fully grown marijuana plants ang agad na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa mga nadiskubre nilang anim na plantation sites.

Tinatayang nagkakahalaga ito ng P556,000.

Bukod dito, nakadiskubre rin ang mga awtoridad ng humigit-kumulang sa 45 kilo na dried marijuana fruiting tops na tinatayang nagkakahalaga ng 5,400,000.

Sa kabuuan, umaabot ng P5,956,000 ang halaga ng mga fully grown marijuana plants at dried marijuana fruiting tops and stalks ang sinunog ng mga awtoridad.

Walang naaresto na marijuana cultivator mula sa mga nadiskubreng taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso