6 marijuana plantation, winasak sa Kalinga

6 marijuana plantation, winasak sa Kalinga

September 18, 2021 @ 2:29 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

KALINGA- Anim na naman na  bagong diskubreng marijuana plantation ang winasak ng mga otoridad sa Brgy.  Loccong , Tinglayan , Kalinga kahapon.

Bukod sa 22,600 na fully grown marijuana plants na nagkakahalaga  ng P4,520,000, nakadiskubre rin ang mga otoridad ng 52,000 gramo ng marijuana dried leaves  and stalks doon sa lugar.

Ang nadiskubreng 52,000 gramo ng marijuana dried leaves  and stalks ay tinatayang nagkakahalaga ng P6,240,000.

Ayon sa mga otoridad, ang kabuuang halaga ng mga nasirang marijuana ay umaabot ng P10,760,000.

Nadiskubre ang naturang marijuana plantation matapos na maglunsad ng Oplan 21 Singletone marijuana eradication ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (PDEU/PIU) Kalinga Police Provincial Office, Tinglayan MPS, RIU-14, RID, 2nd KPMFC at 141 SAC PNP-SAF sa nabanggit na lugar.

Ang mga marijuana plant kasama ang mga marijuana dried leaves  and stalks ay sinunog ng tropa doon mismo sa area.

Walang nahuling cultivator ang mga otoridad. Rolando S. Gamoso


  •  
  •  
  •