6 menor huli sa pagsaksak-patay sa binatilyo sa QC

6 menor huli sa pagsaksak-patay sa binatilyo sa QC

September 16, 2022 @ 6:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na menor de edad na umano’y responsable sa pananaksak at pagpatay sa 14 anyos na binatiyo kagabi sa nasabing lungsod.

Ani QCPD Director  PBGEN Nicolas Torre III nadakip ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation ng Police Station11 (PS11) sa pamumuno ni PLTCOL Richard Ian Ang  matapos mangyari ang krimen.

Base sa ulat, dakong 6:20 ng gabi naglalakad ang biktima kasama ang mga kaubigan nito sa harap ng supermarket na matatagpuan sa Brgy. Doña Imelda, Q.C. nang sumulpot ang mga suspek na armado ng patalim at pinagsaksak ang una.

Isinugod pa ang binatilyo sa Delos Santos Medical Center subalit idineklara itong dead on arrival sanhi ng mga tama ng saksak na tinamo nito sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Dahil dito agad na nagsagawa ng imbestiggasyon ang PS11 at nakakuha ang kapulisan ng mga CCTV footages malapit sa pinangyarihan ng krimen na tumukoy sa mga suspek.

Sa isinagawang operasyon ay isa-isang dinakip ang anim na kabataan kung saan positibo na tinuro sila ng testigo na sila ang nanasak sa biktima.

Dinala ang mga suspek sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na siyang nakipag-coordinate sa City Social Welfare and Development (CSWD) dahil mga minors ang anim na dinakip.

Pinapurihan naman ni QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang QCPD sa mabilis  na pagkakahuli ng mga salarin.

Hindi ko lubos maisip na sa kanilang murang edad ay makagagawa na sila ng ganitong krimen. Kung kaya’t hinihimok ko ang mga magulang na bantayan ng mabuti ang kanilang mga anak upang hindi sila mapariwara sa buhay.”  pahayag pa ng alkalde.

“The immediate action and investigation of PS11 that led to the immediate identification and eventually taking of custody of the CICLs citing also the importance of CCTV in aiding investigators in criminal investigation to identify the culprits.” saad naman ni PBGEN Torre III. Jan Sinocruz