6 mobile lab ipakakalat sa mga lugar na may ASF

6 mobile lab ipakakalat sa mga lugar na may ASF

February 2, 2022 @ 10:48 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay na ng go signal si Agriculture Secretary William Dar sa Bureau of Animal Industry (BAI) para sa pagtatatag ng anim na mobile laboratory units na layong palakasin ang pagsisikap ng pamahalaan na makontrol at mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon sa kalihim, nagkakahalaga ang mobile laboratories ng P100 million na target mai-deploy sa mga rehiyong apektado ng ASF bago o sa March 31.

Aniya, bawat mobile labs ay maaaring magbigay ng serbisyo sa mga lokal na pamahalaan na mayroong kaso ng ASF at iba pang sakit sa hayop, gayundin ang isang mobile veterinary school na magbibigay ng kasanayan sa mga tao sa disease detection, prevention at monitoring.

“The mobile labs form part of the Duterte government’s leveled-up measures to revive the country’s hog industry and maintain a healthy animal sector,” ani Dar.

Bukod dito, nakipag-partner din ang BAI sa DA Regional Field Offices na namamahala sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory para sa testing at pagtukoy ng mga sakit ng hayop sa pamamagitan ng RT-PCR.

“These laboratories just need to optimize processes to further strengthen the country’s animal diagnostic infrastructure,” saad ni BAI Director Reildrin Morales.

“Under the DA’s Quick Response Fund (QRF), we have procured and distributed P100 million worth of RT-PCR test kits to LGUs nationwide,” dagdag niya.

Samantala, nakipagtulungan din ang ahensya sa grupo ng mga scientist at beterinaryo na bumuo sa BioAssets Diagnostic Clinic sa Batangas para tuluyang masugpo ang mga sakit sa hayop na nakakaapekto sa livestock at poultry industry ng bansa.
Kabilang sa kanilang hakbang ay ang “Brisk Response through In-location Diagnostics and Genome Sequencing” (BRIDGES) project.

Ang proyekto na nagkakahalaga ng P39.2 million ay magkatuwang na pinondohan ng BioAssets at Department of Science and Technology (DOST) sa ilalim ng Science for Change Program na maaaring magpabilis sa vaccine research development ng mga eksperto. RNT