6-months rehab ng Boracay island, pangmatagalang benepisyo para sa mga Pilipino -SAP Go

6-months rehab ng Boracay island, pangmatagalang benepisyo para sa mga Pilipino -SAP Go

July 9, 2018 @ 11:19 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pangmatagalang benepisyo ang ibibigay ng six-month rehabilitation ng isla ng Boracay hindi lamang sa mga lokal kundi maging sa bansa.

Iniisip kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kapakananan ng nakararaming Pilipino.

“So, kung ano mang plano para sa Boracay, kapakanan ng karamihan at kabutihan ng bawat Pilipino lalo ng residente ng Boracay ang isinasaalang-alang,” ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go.

Nauna rito, pinangasiwaan ni Go ang pagbibigay ng financial assistance sa mga nawalan at napalitang manggagawa ng Boracay.

Ang pagbisita ni Go sa Boracay ay may basbas ni Pang. Duterte.

Binigyang diin ng nasabing opisyal na trabaho lang siya at walang panggagamit sa situwasyon para mangampanya lalo pa’t wala pa siyang desisyon kung tatakbo siya o hindi sa 2019 mid-term elections.

“Trabaho lang muna po ako. Tumutulong ako sa kampanya ni Presidente para labanan ang drugs, criminality and corruption. Trabaho lang din kaya ako nakikita sa publiko dahil my job is to help,” ani Go.

Nananatiling committed ang gobyernong Duterte na tuldukan ang problema sa illegal drugs at corruption sa pamahalaan.

Seryoso aniya si Pangulong Duterte na walisin ang mga corrupt officials lalo na iyong mga tumulong sa kanya noong nakaraang eleksyon

Inulit naman nito na ang naging deklarasyon ng Pangulo na Martial Law sa Mindanao ay para durugin ang terorismo at matamo ang kapayapaan sa naturang rehiyon. (Kris Jose)