6 na bagong kaso ng BA.5; 10 BA.2.12.1 Omicron subvariant naitala sa PH

6 na bagong kaso ng BA.5; 10 BA.2.12.1 Omicron subvariant naitala sa PH

June 15, 2022 @ 4:02 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ang Department of Health ng 16 na bagong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa pinakahuling sequencing run, anim sa mga bagong kaso ay BA.5 habang sampu ay BA.2.12.1.

Sa naitalang BA.5 cases, dalawa ay mula sa National Capital Region (NCR), habang tag-iisa sa Cagayan Valley, Western Visayas, Northern Mindanao, at isa ang inaalam pa ang lugar na pinagmulan.

Samantala, sa BA.2.12.1 cases naman, apat ay mula sa NCR, dalawa mula sa Calabarzon, tag-iisa sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, at isang returning overseas Filipino. RNT/ JCM