6 na bansa isinailalim sa PH COVID Red List

6 na bansa isinailalim sa PH COVID Red List

December 30, 2021 @ 4:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilagay ng pamahalaan ng Pilipinas ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia, at Spain sa ilalim ng Red List mula Enero 1 hanggang 15, sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, anunsyo ng Malakanyang nitong Huwebes.

Nangangahulugan itong hindi na muna papayagan na makapasok ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa mga nabanggit na bansa, maliban na lamang kung bahagi sila ng Overseas Filipino Workers repatriation flights na inorganisa ng pamahalaan ng Pilipinas at iba pang private partners.

Samantala, narito naman ang mga bansa sa ilalim ng Green List:

  • Bangladesh

  • Benin

  • Bhutan

  • British Virgin Islands

  • China

  • Cote d’ Ivoire (Ivory Coast)

  • Djibouti

  • Equatorial Guinea

  • Falkland Islands (Malvinas)

  • Fiji

  • The Gambia

  • Guinea

  • Hong Kong

  • Indonesia

  • Kuwait

  • Kyrgyzstan

  • Liberia

  • Montserrat

  • Oman

  • Pakistan

  • Paraguay

  • Rwanda

  • Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands)

  • Saint Barthelemy

  • Sao Tome and Principe

  • Senegal

  • Sierra Leone

  • Sint Eustatius

  • Taiwan

  • Timor-Leste (East Timor)

  • Togo

  • Uganda, at

  • United Arab Emirates.

Lahat ng mga bansa/teritoryo/hurisdiksyon na hindi nabanggit sa taas ay kasama sa Yellow List.

Gayundin, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagtanggap o pagkilala “for purposes of arrival quarantine protocols as well as for interzonal/intrazonal movement the national COVID-19 vaccination certificate of Armenia, Belgium, Canada, France, Germany, Kuwait, New Zealand, Sri Lanka, Thailand, United States of America and Oman.”

“This is in addition to such other countries/territories/ jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers,” patuloy ni Nograles.

Kaugnay nito, ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation- One Stop Shop at ang Bureau of Immigration ay inatasan na kilalanin lamang ang proofs of vaccination na aprubado ng IATF. RNT/SA