6 na dayuhan inaresto ng BI sa kaduda-dudang dokumento

6 na dayuhan inaresto ng BI sa kaduda-dudang dokumento

February 27, 2023 @ 7:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na dayuhan na may kaduda-dudang mga dokumento makaraang tangkain ng mga ito na lumabas ng bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga dayuhan na pasahero ay nasabat sa magkakahiwalay na insidente ng mga opisyal ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Thanks to the vigilance of our officers at the airport we were able to prevent these illegal aliens from slipping in or out of the country,” ayon kay Tansingco.

Sa kasalukuyan ang mga dayuhan ay nakakulong sa BI detention center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

“Afterwards, we will include them in our immigration blacklist to prevent them from reentering the country,” ayon sa BI chief.

Nabatid sa BI na unang naaresto noong Pebrero 3 si Harpreet Singh Ahitan, 32, isang Indian national, dahil sa peke nitong immigration visa extension sa kanyang pasaporte bago pa man makasakay ng Air Asia flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Kasunod na naaresto noong Pebrero 6 si Zhang Yang, 30, isang Chinese national na tinangkang sumakay ng Philippine Airlines patungong Bangkok pero natuklasan na peke ang kanyang Philippine visa.

Kasunod ang isang Indian national na si Maleet Singh, 42, na pinigil sumakay ng Thai Airways flight patungong Singapore dahil peke ang kanyang immigration arrival stamp sa kanyang pasaporte.

Noong Pebrero 8, inaresto ang Korean national na si Lee Jihun, 38, matapos malaman na wanted siya sa Korea dahil sa electronic financial fraud.

Inaresto siya dahil sa pagiging undesirability at undocumented.

Nasabat din ng BI ang dalawang dayuhan na paparating ng bansa na lumabag sa immigration laws.

Si Lin Chia Hao, 29, isang Taiwanese national ay inaresto naman sa pagbaba nito sakay ng Saudia flight mula Jeddah nitong Pebrero 8 dahil sa pekeng Philippine visa sa kanyang passport.

Pebrero 10 naman inaresto ang South Korean national na si Kang Juchun, 38 na wanted dahil kasong murder at abandonment sa victim. JAY Reyes