6 na durugista nadakma sa pot session, baril nakumpiska

6 na durugista nadakma sa pot session, baril nakumpiska

June 15, 2022 @ 6:16 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng  Quezon City Police District (QCPD) ang anim na durugista matapos na isang concerned citizen ang nag-tip sa isang armadong lalaki kahapon ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Remus B Medina, ang armadong lalaki na si Jefferson Aguirre, 41 anyos,  habang ang nahuli naman na nagpapot session ay sina Alejo Delos Santos, 47, Ricardo Hipolito Jr., 31, Flordeliza Co, 50, kapwa nakatira sa Reading St., Teachers Bliss, Brgy. Balon Bato, Q.C. Daniel Jeremiah 25, ng Brgy. Marulas, Q.C at Dexter Bautista, 47, residente ng Brgy. 168 Caloocan City.

Ayon sa ulat ng Talipapa Police Station (PS 3) sa pamumuno ni PLTCOL Alexander G Barredo, dakong i6:00  ng (Hunyo 14) nagsagawa sila ng anti-criminality operation sa nasabing lugar nang makatanggap ng tawag sila hinggil sa umano’y isang armadong lalaki.

Nang kanilang lapitan si Aguirre imbes na sumuko ay nagtatakbo ito sa bahay kung saan na kasagsagan ng pot session ang llimang lalaki.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang benteng gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php136,000.00, isang revolver Caliber 38, anim na pirasong live ammunition, isang disposable na lighter, isang coin purse, at dalawang aluminum foil strips.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” habang karagdagang kaso ng paglabag sa R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang isasampa laban kay Aguirre.

“Malugod kong binabati ang ating mga kapulisan sa kanilang pagsisikap upang mahuli ang mga suspek at masamsam ang mga ebidensiya. Ang kanilang dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin ay siyang sanhi ng matagumpay na operasyon,” saad ni PBGEN Medina. Jan Sinocruz