6 na lugar itinaas sa Alert Level 3 Enero 28

6 na lugar itinaas sa Alert Level 3 Enero 28

January 27, 2022 @ 7:23 PM 8 months ago


Manila, Philippines – May anim na lugar ang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), na itaas sa alert level 3, simula bukas, araw ng Biyernes Enero 28, 2022.

Kabilang dito ang mga lalawigan ng Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi at Sulu.

Ang desisyon ng IATF na itaas sa Alert 3 ang 6 na lugar na epektibo bukas, Enero 28, 2022 ay tatagal ng hanggang Pebrero 15, 2022. Kris Jose