6 na miyembro ng pamilya patay sa sunog sa Navotas

6 na miyembro ng pamilya patay sa sunog sa Navotas

November 4, 2022 @ 10:41 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang anim na kasapi ng isang pamilya sa nangyaring sunog Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 4 sa Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City.

Ayon sa ulat, ang anim na biktima ay kinilala ng Bureau of Fire Protection na sina:

Donsito Boiser, 41-anyos, ama
Reynosa Muscoso, 41-anyos, ina
Raymond Boiser, 10, anak na lalaki
Arriana Boiser, 3, anak na babae
Reinna Boiser, 2, anak na babae
Natalia Boiser, 14, pamangkin

Umabot sa unang alarma ang sunog sa residential area sa naturang lungsod na nagsimula 5:21 ng umaga at idineklarang fire out pagsapit ng 5:44 ng umaga.

Sa ngayon ay nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at pinsalang inabot sa ari-arian. Merly Iral/ RNT JGC