Marikina City – Swak sa kulungan ang anim na miyembro ng robbery holdap group at basag salamin group matapos madakip ng mga operatiba ng Quezon City Police sa Marikina City kaninang madaling araw Hulyo 9, 2018 (Lunes).
Ang anim na nadakip na hindi muna pinangalanan ay tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 anyos at hindi muna binanggit ang mga pangalan habang isinasagawa pa ang follow up operation sa iba pang nilang mga kasamahan.
Ayon sa source nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang mga suspek sa no. 36-E Cobarubias St. Brgy. Tanyong, Marikina City dakong 1:30 ng madaling araw.
Sinabi sa ulat na ang mga nadakip ay pawang sangkot sa serye ng mga robbery holdap sa Quezon City at basag salamin sa mga nakaparadang kotse sa lungsod.
Nabatid pa sa ulat na miyembro ng sindikato ng robbery holdap group ang mga nadakip at basag salamin na nambibiktima ng mga residente ng Quezon City.
Nakapiit ngayon ang mga suspek habang nagsasagawa pa ng follow up operation ang mga pulis QC sa iba pang kasamahan ng mga suspek. (Santi Celario)