6 na sindikato sangkot sa text scam – CICC

6 na sindikato sangkot sa text scam – CICC

September 21, 2022 @ 7:58 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) na mayroon silang tinututukang anim na sindikatong sangkot sa smishing at text scam.

Ito ang sinabi ng opisina kasabay ng pagdinig ng Senate finance subcommittee sa proposed budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang CICC ay isang attached agency ng DICT at nangakong magbibigay pa ng mas maraming impormasyon sa executive session.

“Lumalala na ang scams, wala pa ring naririnig ang publiko sa mga imbestigasyon has heard nothing from the investigation,” ani Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services na pabor sa plano ng opisina.

Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ng CICC ang anim na sindikatong kanilang binabantayan na sangkot sa text scam na nakapambiktima na ng maraming mobile phone users. RNT/JGC