6 nasagip sa lumubog na bangka sa Basilan

6 nasagip sa lumubog na bangka sa Basilan

March 2, 2023 @ 6:45 AM 4 weeks ago


BASILAN – Nasagip ang anim na indibidwal nitong Martes, Pebrero 28 mula sa lumubog na motor banca sa karagatan ng Basilan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), patungong Zamboanga City mula Jolo, Sulu ang motorbanca nang lumubog malapit sa Pandak Island sa Hadji Muhtamad nang masira ng malaking alon ang katawan ng sasakyang pandagat.

Agad na nagpadala ang PCG ng search and rescue team at iniligtas ang mga pasahero.

Idinagdag pa ng PCG na ang mga nailigtas na indibidwal ay dinala sa substation nito sa bayan ng Maluso para sa karagdagang tulong.

Nagtaas ang PAGASA ng gale warning sa ilang lugar sa buong kapuluan dahil sa northeast monsoon o “amihan,” na nagdudulot pa rin ng mga pag-ulan sa Luzon at Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden