6 opisyal ng BOC na sangkot sa sugar smuggling sa Subic ibinalik sa pwesto

6 opisyal ng BOC na sangkot sa sugar smuggling sa Subic ibinalik sa pwesto

September 3, 2022 @ 10:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ibinalik na sa pwesto ang anim na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na ni-relieve sa umano’y pagkakasangkot sa pag-angkat ng asukal sa Port of Subic.

Ayon sa imbestigasyon, batay sa mga dokumento, ang tone-toneladang importedimported na asukal na natuklasan sa isang port ay “legitimate”.

Magugunitang ni- “relocate” ang mga opisyal sa Office of the Commissioner habang iniimbestigahan ng BOC ang 7,000 metric tons ng bhinihinalang puslit na asukal galing Thailand na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng umano’y recycled permit mula sa Sugar Regulatory Administration.

Sinabi ni acting BOC Commissioner Yogi Ruiz na batay sa resulta ng imbestigasyon, hindi recycled ang import documents at dumaan sa tamang proseso ang shipment.

Wala ring natukoy na negligence sa bahagi ng customs officials. RNT/SA