6 oras na blackout sa P’que sa Marso 8-9 ikakasa ng Meralco

6 oras na blackout sa P’que sa Marso 8-9 ikakasa ng Meralco

March 8, 2023 @ 10:18 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbigay-abiso ang Manila Electric Company (Meralco) para sa anim na oras na power service interruption sa ilang lugar ng Parañaque City ngayong Marso 8-9.

Ayon sa social media post ng Parañaque Public Information Office (PIO), ipatutupad ng Meralco ang power service interruption ng alas 11:00 ng gabi ng Marso 8 hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Marso 9.

Napag-alaman sa Meralco na ang implementasyon ng power outage ay upang bigyan ng daan ang pagsasagawa sa relokasyon ng pasilidad sa John Glenn Jr. St., Barangay Moonwalk.

Ang mga maaapektuhang lugar sa lungsod ay ang bahagi ng Armstrong Avenue mula E. Rodriguez Avenue pati na rin ang Swiggert, S. Carpenters, Cooper at John Glenn Sr. Streets; La Casa 100 Subdivision, Mariano Centerpoint Townhomes, Scarlet Homes, Eriberta Court Subdivision, at Christina Village.

Kabilang din sa mga maapektuhang lugar ang Daang Bata Street mula E. Rodriguez Avenue at ang mga lugar ng Cherry Homes, San Juan, San Nicolas, St. Teresa, at Sto. Nino Streets sa San Agustin Village, sa lungsod.

Inabisuhan naman ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang mga maaapektuhang lugar ng blackout na gawin ang kinakailangang preparasyon bago pa man maipatupad ng Meralco ang kanilang nakatakdang power service interruption. James I. Catapusan