6 pa kumpirmadong patay sa #OdettePH

6 pa kumpirmadong patay sa #OdettePH

January 27, 2022 @ 3:04 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na anim pa ang nasawi sa Western Visayas dahil sa bagyong Odette.

Sa kabuuang bilang, pumalo naman na ito sa 96.

Base sa datos, pinakamarami ang nasawi sa Western Visayas na may 52 patay; Eastern Visayas, 18; Mimaropa, 16; Northern Mindanao, pito; Central Visayas, dalawa; at isa sa Zamboanga Peninsula.

Umakyat na rin sa 316 ang bilang ng sugatan mula sa naunang 205 na naitala habang nananatili sa anim ang nawawala.

Samantala, bineberipika pa ang report na 313 ang nasawi; 1,068 na sugatan; at 59 na nawawala.  RNT/FGDC