6 pagyanig sa Bulkang Taal naitala

6 pagyanig sa Bulkang Taal naitala

July 14, 2021 @ 11:22 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Naitala ang anim na pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Kasabay nito, naobserbahan din ang matataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide (SO2).

Sa datos nitong Hulyo 13, Tuesday, nasukat ang average ng SO2 emission sa 4,184 tonelada.

Gayundin ay nananatili pa rin ito sa Alert Level 3 dahil sap atuloy na “magmatic unrest.”

“At Alert Level 3, magma extruding from the main crater could drive explosive eruption,” lahad ng Phivolcs.

“All activities on Taal Lake should not be allowed at this time.” RNT/FGDC