6 pang lugar pasok sa Alert Level 3

6 pang lugar pasok sa Alert Level 3

January 28, 2022 @ 6:41 AM 5 months ago


MANILA, Philippines – Isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang anim na lugar sa Alert Level 3, simula ngayong Biyernes Enero 28, 2022.

Kabilang dito ang:

  • Palawan

  • Camiguin

  • Davao Occidental

  • Dinagat Islands

  • Tawi-Tawi

  • Sulu

Tatagal ang pagsasailalim sa mas mahigpit na restriksyon hanggang Pebrero 15, 2022, base sa anunsyo ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles.

Ipinagbabawal sa Alert Level 3 ang contact sports, fun fairs, casinos, at face-to-face classes, maliban na lang sa mga bagay na papayagan ng COVID-19 task force o mismo ng Office of the President.

Sa Alert Level 3 lilimitahan ang galaw ng fully vaccinated individuals kung saan tanging 30 porsyento lang ng indoor operating capacity ang papayagan para sa dine-in services, religious gatherings, fitness studios, personal care services, at recreational venues. RNT