6 pang Pinoy ligtas na nakaalis sa Ukraine —DFA

6 pang Pinoy ligtas na nakaalis sa Ukraine —DFA

February 28, 2022 @ 4:40 PM 4 months ago


MANILA, Philippiens – Ligtas na nakarating sa Republic of Moldova ang anim na filipino mula Ukraine.

Kasama sa mga nasabing Pinoy ayon sa DFA ang isang 4th year medical student sa Bukvinian State Medical University, dalawang kasal sa Ukrainian nationals kung saan ang isa ay nag biyahe kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki sa Moldovan border.

Ipinagbigay-alam ng departamento na nagtulong sina assistance nina Consul Victor Gaina ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinaum, Moldova at Philippine Embassy sa Budapest sa pangunguna ni Ambassador Frank Cimafranca para matiyak ang ligtas na pagdating sa nasabing bansa ng anim na Pilipino

Sinabi ng DFA na si Consul Gaina ang nag asikaso ng mga kinakailangang dokumento ng mga naturang pinoy para makakuha ng E-visas at tuluyang makapasok sa Moldova.

Inaasikaso na rin ng mga tauhan ng gobyerno ang pagdadala sa apat sa Romania kung saan manggagaling ang repatriation flight pa Maynila.

Nakatawid na rin umano ng Moldovan border ang dalawa pang Pinoy na nagta trabaho sa isang international organization.

Samantala, sinabi ng DFA na ang mga Filipino na mangangailangan ng repatriation assistance malapit sa borders ng Moldova at Romania ay pinayuhan na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa pamamagitan ng sumusunod na contact details:

Hungary

Budapest PE emergency hotline
+36 30 202 1760
ATN Officer Claro Cabuniag
+36 30 074 5656 (mobile)
+63 966 340 4725 (viber)

Moldova

Consul Victor Gaina
Mobile number (also WhatsApp no.(sad) +37369870870 or email addresses: [email protected] or [email protected]

Sinabi naman ni DFA Undersecretary Sara Lou Arriola na hindi pipiliting bumalik ng Pilipinas ang mga Filipino evacuees.

Karamihan sa mga overseas Filipino workers sa Ukraine ay pawang mga undocumented.

“Yung mga undocumented hindi namin sila pipilitin [umuwi], ang gusto lang namin malaman kung nasaan sila,” ani Arriola.

“Almost all of the OFWs in Ukraine are undocumented,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose