6 pang Pinoy sa abroad positibo sa COVID — DFA

6 pang Pinoy sa abroad positibo sa COVID — DFA

July 8, 2021 @ 7:42 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs na nadagdagan pa ng anim ang kaso ng COVID-19 sa mga Filipinong nasa ibang bansa kung kaya’t umabot na ang kabuuang bilang nito sa 20,916.

Sa pinakabagong datos ng DFA, nadagdagan ng tatlo ang nakarekober na umabot na sa 12,381 habang nananatili naman ang nasawi sa 1,243.

Patuloy ring ginagamot ang 7,292 pang pasyente.

Pinakamataas pa rin ang kaso ng COVID ng mga Filipino sa Middle East/Africa na may 11,861 kasama na ang 6,504 nakarekober at 836 nasawi.

Habang sa Asia Pacific Region ay may 4,515 kaso kasama na ang 2,766 nakarekober at 33 nasawi.

Sa Europe, may kabuuang 3,554 kaso ang naitala; 130 nasawi; at  2,484 nakarekober.

Samantala sa Americas, 986 Pinoy ang nagpositibo; 627 nakarekober; at 244 nasawi. RNT/FGDC