6 patay, 4 sugatan sa barilan sa NoCot

6 patay, 4 sugatan sa barilan sa NoCot

November 24, 2022 @ 4:14 PM 2 days ago


M’LANG, North Cotabato – Anim na indibidwal, kabilang ang isang pulis at sibilyan, ang nasawi habang sugatan ang apat kasunod ng barilan sa lugar, ayon sa opisyal nitong Huwebes.

Kinilala ni Lt. Col. Realan Mamon, town police chief, ang mga nasawi sa shootout na naganap nitong Miyerkules, alas-3 ng hapon, na sina Staff Sgt. Rudy Amihan Jr., miyembro ng local police force; civilian Jack Gumilao, 53 at apat pang unidentified robbers.

Kabilang naman sa mga nagtamo ng sugat sina Corporal Noli Labesores ng M’lang police at Patrolman Hezron Neyra ng Provincial Police Mobile Force, at mga sibilyan na sina Tweeny Daza ng Barangay Bialong at Jose Patubay ng Barangay Bagumbayan, Tulunan, North Cotabato.

Sinabi ni Mamon na sumiklab ang sagupaan nang bulabugin ng mga armadong magnanakaw ang Regz at Kirks Bakeshop sa Barangay Bagontapay.

“No employees of the bakeshop were hurt but one of the perpetrators shot two customers and snatched their motorcycle just outside the store,” paglalahad niya, at idinagdag na nasawi si Gumilao, isa sa mga nabaril.

Natangay ng mga magnankaw ang halos P17,000 at personal na mga kagamitan mula sa establisimiyento.

“The two motorcycle-riding robbers engaged lawmen manning a checkpoint in Sitio Quitos, Barangay Dugong, and got killed, while two others running on foot were slain in a shootout in Purok 9, Barangay Sangat,” ani Mamon.

Idinagdag niya na nasugatan si Daza matapos isa sa mga suspek ang bumaril sa kanya upang ibaling ang atensyon sa kanyan ng mga tumutugis na pulis.

“All members of the robbery gang remain unidentified as of this time as we are also waiting for the relatives of the four slain robbers to claim their bodies for us to identify them,” sabi ni Mamon.

Narekober naman ng mga awtoridad ang apat na .45-caliber pistols mula sa mga napaslang na mga magnanakaw at apat na motorsiklong hinihinalang ginamit ng gang members sa pagtakas sa sa pinangyarihan ng krimen. RNT/SA