6 patay sa COVID sa Valenzuela; death toll, 60

6 patay sa COVID sa Valenzuela; death toll, 60

August 3, 2020 @ 7:22 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Anim ang nadagdag na patay sa COVID-19 sa lungsod ng Valenzuela dahilan para umabot na ito sa kabuuang 60 sa kasalukuyan, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Batay sa ulat ng CESU, hanggang 10 pm kagabi, Agosto 2 ay 2,202 na ang nagpositibo sa COVID sa siyudad kung saan 1,411 dito ang active cases habang 731 na ang gumagaling.

Magugunitang noong Hulyo 30 ay 1,961 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. 1,214 dito ang active cases, 693 na ang gumaling at 54 na ang binawian ng buhay.

Kaugnay nito, sinalubong ng  batikos ng mga Valenzuelano ang anunsyo ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela para sa mga mamamayang nasa isolation units ng lungsod na pinagtibay na ng Inter-agency Task Force (IATF) for Management of Emerging Infectious Diseases ang “Time-based Reckoning of Recoveries.”

Nakasaad sa IATF Resolution No. 60 Series of 2020 na inaprubahan noong ika-60 pagpupulong ng task force noong Hulyo 30 na aprubado na ang mungkahi ng Department of Health (DOH) hinggil sa pagpapauwi ng pasyenteng dating nagpositibo sa COVID-19.

Batay  sa pahayag ng Valenzuela City,  hindi na kailangan pang muling sumailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) swab test ang mga suspect, probable at confirmed COVID-19 bago sila ituring na recovered o gumaling na ayon sa DOH.   Merly Iral


  •  
  •  
  •  

Loading...