6 patay sa karambola ng sasakyan

6 patay sa karambola ng sasakyan

March 7, 2023 @ 12:20 PM 2 weeks ago


MAGUINDANAO- PATAY ang anim na katao kabilang ang isang lola matapos magkarambola ang tatlong sasakyan kamakalawa ng hapon sa bayan ng Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte Sur.

Dead-on-the-spot sina Unasan Kaul, driver ng van, taga Guindulungan, Maguindanao del Sur at mga pasahero nitong sina Norhaimin Baladek at Manaut Guialudin, kapwa mula sa bayan ng General SK Pendatun, Maguindanao del Sur.

Binawian naman ng buhay ng isugod sa ospital ang loala na si Kaidu Manalasal, Mamakong Salimbao, parehong sakay ng van at driver ng hilux na si Bomber Gani habang patuloy naman ginagamot sa ospital ang 13 iba pa.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat PNP Investigator Staff Sergeant Benjamin Bedo, bandang 4:30 PM ng maganap ang insidente sa boundary ng Makir at Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, galing ang Hi-Ace van sa GSKP patungong Lanao del Sur para dumalo sana ng reunion habang ang Hi-lux patungong South Cotabato.

Habang binabaybay ng mga sasakyan ang nasabing kalsada, bigla na lamang nabangga ng Hilux ang payong payong na naging sanhi ng karambola ng tatlong sasakyan.

Sa lakas ng banggaaan nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang 6 na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Umapela naman si Bedo sa mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho para maiwasan ang aksidente./Mary Anne Sapico