6 patay sa pagsabog ng car bomb sa Basilan

6 patay sa pagsabog ng car bomb sa Basilan

July 31, 2018 @ 8:32 AM 5 years ago


 

Lamitan, Basilan – Aanim na indibidwal ang nasawi sa pagsabog ng hinihinalang car bomb sa checkpoint ng mga sundalo sa Basilan, Martes ng umaga (July 31).

Ayon kay Lamitan Vice Mayor Roderick Furigay, kinakausap ng mga sundalo ang driver ng van upang inspeksyunin ang sasakyan nito nang biglang sumabog ang sasakyan sa Sitio Bulanting, Barangay Colonia, Lamitan, Basilan.

Dagdag pa ng Bise Alkalde, 6 na bangkay ang namataan sa lugar ng pagsabog na kinabibilangan ng mga sundalo.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung maituturing na suicide bombing ang insidente at kung anong grupo ang maaring may kagagawan ng pagsabog.

Ang lugar ng Basilan ay kilalang kuta ng mga armadong grupo gaya ng Abu Sayyaf. Remate News Team