6 Pinoy kinasuhan sa pamemeke ng kasal para sa US green cards

6 Pinoy kinasuhan sa pamemeke ng kasal para sa US green cards

April 9, 2022 @ 2:15 PM 3 months ago


BOSTON- Kabilang ang anim na Pilipino sa 11 California-based na nga indibidwal na kinasuhan sa umano’y pagpapatakbo ng marriage fraud “agency” na umano’y nag-aayos ng daan-daang pekeng kasal para makatakas sa US immigration laws.

Ang mga sumusunod na defendants ang kinasuhan nitong Biyernes sa marriage fraud at immigration document fraud:

  • Marcialito Biol Benitez, a/k/a “Mars,” 48, Pilipino na nakatira sa Los Angeles;

  • Engilbert Ulan, a/k/a “Angel,” 39, Pilipino na nakatira sa Los Angeles;

  • Nino Reyes Valmeo, 45, Pilipino na nakatira sa Los Angeles;

  • Harold Poquita, 30, Pilipino na nakatira sa Los Angeles;

  • Juanita Pacson, 45, Pilipino na nakatira sa Los Angeles;

  • Felipe Capindo David, a/k/a “Pilipi” or “Peebles,” 49, Pilipino na nakatira sa Los Angeles;

  • Peterson Souza, 34, Brazilian national na nakatira sa Anaheim, California;

  • Devon Hammer, 26, ng Palmdale, California;

  • Tamia Duckett, 25, ng Lancaster, Inglewood at Palmdale, California;

  • Karina Santos, 24, ng Lancaster, California; at

  • Casey Loya, 33, ng Lancaster at Palmdale, California.

Walo sa mga defendants, kabilang si Benitez ang naaresto sa California. Humarap sila sa federal court sa Central District of California at nakatakdang humarap sa Boston.

Ayon sa ulat, naniningil ng halagang $20,000 at $30,000 cash ang ahensya sa pagproseso ng mga dokumento.

Matapos makahanap ng dayuhan na kapares ng kanilang kliyente, nagsasagawa umano sina Benitez ng pekeng kasal sa iba’t ibang lokasyon.

Sinumang mapatunayang guilty sa pamemeke ng kasal ay sesentensyahan ng hanggang limang taong pagkakakulong tatlong taon ng supervised release at bayad na $250,000. RNT/SA