6 Pinoy seafarers narepatriate mula China

6 Pinoy seafarers narepatriate mula China

December 6, 2021 @ 8:44 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Anim sa 29 na mga Filipino seafarers na stranded mula pa noong Mayo sa ilang Chinese vessel na nakadaong sa southeastern China ang nakauwi na sa bansa sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.

Mismong ang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sumalubong sa mga Pinoy seafarers na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng kanilang flight mula Shanghai, China.

Ayon sa DFA, ang mahigpit na quarantine restrictions ang naging dahilan kung bakit nabalahaw ang kanilang mga barko sa nasabing bahagi ng China.

Patuloy pa rin na minomonitor ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ang mga seafarers na naiwan pa sa mga barko.

“The DFA has been working on their repatriation since their case came to light. Notwithstanding the challenges along the way, we finally brought home the six of them. We will definitely bring home the rest of the Han Rong fishers still in China,” sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola.

“We recognize the clamor from Filipinos across China, so we are mounting one for the holidays,” dagdag pa ni Arriola.

Nakikipag-ugnayan na rin si Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Raymund Cortes kay Consul-General Josel Ignacio sa iba pang paraan upang mapauwi rin ang natitira pang 23 mga seafarers. RNT