6 presidentiables, 4 VP bets dadalo sa panel interview ng Comelec

6 presidentiables, 4 VP bets dadalo sa panel interview ng Comelec

April 29, 2022 @ 7:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Anim na presidential candidates at apat na vice presidential candidates na ang kumpirmadong dadalo sa panel interviews ng Commission on Elections (Comelec), ayon kay Commissioner George Garcia.

Kabilang sa mga presidential bet na lalahok sa interview sina dating Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, labor leader Leody De Guzman, Former Defense Secretary Norberto Gonzales, negosyanteng si Faisal Mangondato, cardiologist Dr. Jose Montemayor Jr., at Senator Manny Pacquiao.

Habang sisipot naman sa vice presidential interviews sina Pro-Life Philippines Foundation executive director Rizalito David, Manny Lopez, Senate President Vicente Sotto III, and Serapio Carlos.

Samantala, nagsabi na si presidential candidate Vice President Leni Robredo na hindi siya makakadalo sa panel interview.

Pero kanina, hinamon niya ang isa sa mga katunggaling si dating Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mag-debate.

Pero tugon ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, hindi kailanman mangyayari ang debate sa pagitan nina Robredo at BBM.

Samantala, wala pa ring nahahanap na schedule para sa presidential interview si Senator Panfilo Lacson.

Una nang tiniyak ni Garcia na tuloy ang panel interview kahit konti lang ang makasali rito. RNT/ JCM