6 sangkot sa pagkamatay ni Salilig, isinailalim sa inquest proceeding

6 sangkot sa pagkamatay ni Salilig, isinailalim sa inquest proceeding

March 2, 2023 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice ang anim na itinuturing na persons of interest na responsable sa pagkamatay ni John Matthew Salilig na estudyante ng Adamson University.

Kabilang sa inireklamo ng Violation of Anti Hazing Law (RA 8049 as
amended by RA 11053) sina Romero Earl Anthony y Osita, aka Slaughter, Tung Cheng Teng Jr. y Benitez, aka Nike, Jerome Balot y Ochoco, aka Allie, Sandro Victorino y Dasalla, aka Loki, Michael Lambert Ritalde y Alcazar, aka Alcazar, at Mark Pedrosa y MuƱoz aka Macoy.

Matatandaan na ang anim na person of interest ay naaresto ng BiƱan Police kung saan tatlo sa kanila ay estudyante ng Adamson University habang tatlo ay mga miyembro ng fraternity sa BiƱan Chapter.

Positibo silang kinilala ng nakasama ni Salilig sa hazing na si Roi Dela Cruz.

Nabatid na bukod kay Dela Cruz isa pang testigo ang lumutang para idetalye ang ginawang paglibing kay Salilig.

Sa naging pahayag ng isa pang saksi, nataranta ang kaniyang mga ka-brod kaya’t hindi na naisugod pa sa ospital si Salilig kaya’t napagdesisyunan na lamang na ibaon na lamang ito sa Imus, Cavite.

Bukod sa anim na persons of interest na hawak ng mga awtoridad, walong iba pa na nasa likod ng pagkamatay ni Salilig ang pinaghahanap ng mga pulis. Teresa Tavares