6 Subic port execs balik-pwesto; abswelto sa sugar mess

6 Subic port execs balik-pwesto; abswelto sa sugar mess

September 2, 2022 @ 8:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Balik na sa pwesto ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang ni-relieve na opisyal ng port of Subic kasunod ng isinagawang imbestigasyon hinggil sa pagpasok ng mga hinihinalang mga ismagel na asukal sa nasbaing pantalan.

Batay sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ibinalik sa kani-kanilang pwesto sina District Port Collector Maritess T. Martin; Deputy Collector (Assessment) Maita S. Acevedo; Deputy Collector (Operations) Giovanni Ferdinand A. Leynes; Assessment Division Chief Belinda F. Lim; Enforcement and Security Service (ESS) District Commander Vincent Mark S. Malasmas; at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Field Supervisor Justin S. Geli.

Ayon kay Ruiz, lumabas sa imbestigasyon na walang kapabayaan sa kanilang panig kaugnay ng pagpasok umano ng smuggled na asukal sa pantalan.

Aniya, ang pagsisiyasat na isinagawa ng Internal Inquiry and Prosecution Division ng Customs Intelligence and Investigation Service (IIPD-CIIS) ay nagbubunyag na ang mga kargamento ay naproseso alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon ng Bureau of Customs at alinsunod sa mga probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) kung saan walang nakitang paglabag o pagkakaiba sa subject shipments.

Gayundin ang isinagawang beripikasyon ng mga dokumento tulad ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Certificate for Release of Imported Sugar; Food and Drug Administration (FDA) License to Operate; Certificate of Analysis, FDA Certificate of Product Registration; Bill of Lading; Packing List; Asean Trade in Goods Agreement (ATIGA) Form-D; Commercial Invoice and Load Port Survey Report, ay pawang walang nakitang iregularidad.

Idinagdag ni Ruiz na ang mga clearance ng SRA na ipinakita sa mga subject shipment ay napatunayang authentic at hindi nire-recycle gaya ng sinasabi.

Matatandaan na ang mga nasabing kargamento ay naglalaman ng 140,000 sako ng refined sugar mula sa Thailand na ini-export ng Ruamkamlarp Export Co. Ltd. at naka-consign sa Oro-Agritrade Inc. Kris Jose